MAKALUMA
VS. MAKABAGO
CONTENT
Malayo
na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang teknolohiya,
siyensiya, moda, pelikula, medisina, at iba pa ay malayong-malayo na kumpara sa
ngayon. Ganundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba
pang lumang nakagawian ng mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung hindi man
ito tuluyang nabago ay modernong panahon karamihan naman ay lubusang nag-iiba
siguro’y nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay malaki ang
pagkakaiba. Ang dating kinagigiliwan ng ating mga magulang noon 30 taon na ang
nakalipas ay hindi na natin gaanong nagagamit o napapakinabangan ngayon dahil nga
nasa makabagong teknolohiya na tayo ngayon. Ang teknolohiya ngayon ay
nakatutulong sa pagpapadali ng ating buhay sapagkat ito ay “high tech” na.
Nabago din ang paraan ng pakikipagkomunikasyon, panliligaw at hindi na rin
masyadong pinaniniwalaan ang mga pamahiin ng ating mga magulang noon. Kung
ating ikukumpara, ano nga ba ang pagkakaiba noon at ngayon?
1.
Media/Technologies
Noon, sikat ang
keypad na 3310 ang model at sikat din noon ang selpon na may
antena. Bihira lang din ang may ganitong selpon
noon. Ngunit ngayon lahat talaga ay may touch screen na selpon.
ngayon
noon
noon ngayon
Noon, ang ginagamit na plantsa ng damit
ay nilalagyan ng baga para uminit ito, ngunit ngayon isasaksak
nalang sa kuryente.
Noon, hindi uso ang flat screen, at balck and white T.V ang meron ang mga tao noon.
Ngunit, halos flat screen na ang ginagamit at binibili ng mga tao.
noon ngayon
Noon, hindi pa uso ang kompyuter dahil ang
tanging ginagamit ng mga Pilipino sa pag-eencode ay typewriter. Ngunit ngayon napalitan na ng mas “high tech” na kompyuter,laptop, ipad, tablet at iba
pa.
2. Social Relationship
Noon, sa pamamaraan ng panliligaw ay
pupuntahan talaga ng lalaki ang bahay ng babaeng iniibig para mangharana. Ngayon, dinadaan nalang sa
text ang panliligaw.
noon
Pagdating
naman sa interaksyon at pakikipaghalubilo ng mga kabataan, noon, ang tanging
ginagawa ng mga kabataan ay naglalaro ng mga larong pinoy tulad ng luksong baka,patintero,
tumbang lata, tagu-taguan, luksong lubid at iba pa. Ngunit ngayon, ating
naoobserbahan na ang ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon ay mga online/offline games gamit ang
kompyuter, selpon, tablet at iba pa. Kahit mga limang taong gulang pataas na
mga bata ay ginagawa na din nila itong libangan. . Kahit saan tayo lumingon bakas ang pagbago ng teknolohiya
sa mundo at kasabay nito ang malaking pagbabago ng kabataan. Halos hindi
mabitawan ang mga gadgets na mas
madaming oras pa ang inilalaan kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas
makabuluhang bagay.
ngayon
3.
Beliefs or Values
Pagdating naman sa
paniniwala ng mga tao noon, 30 taon na ang nakalipas, sila ay talagang
naniniwala sa mga pamahiin na namana pa sa ating mga ninuno. Lahat ng mga
magulang natin, lolo at lola ay naniniwala sa mga pamahiin tulad ng mga
sumusunod:
§ Hindi
dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon, ito ay simbolo ng kamalasan
§ Bawal
matuluan ng luha ang kabaong upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit
§ Bawal
magsuklay sa gabi dadami daw ang kuto.
§ Bawal
paglaruan ang apoy, maaring lumabo ang mata
§ Malas
daw pag may nakasalubong kang itim na pusa.
Iyan
ay ilan lamang sa mga pamahiin na pinaniniwalaan noon. Ngunit ang mga pamahiing
ito ay hindi na pinaniniwalan sa henerasyon natin ngayon, may iilan pero
karamihan talaga ay hindi na naniniwala.
Noon, hindi nakakaligtaan ng mga
kabataan na magmano sa mga nakakatanda at sa kanilang mga magulang pag-uwi nila
sa kanilang bahay. Ngayon, iilang kabataan na lamang ang gumagawa nito.
Noon,
isa sa magandang katangian ng Pilipino ay ang pagsalo-salo sa hapag kainan
tuwing hapunan. Habang ang ilaw ng tahanan ay nagluluto ng hapunan, ang
magkakapatid ay tulong-tulong naman sa paghahanda ng kubyertos at kasangkapan
na gagamitin. Hindi din nakakalimutan ng pamilya ang manalangin upang
magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Ngayon, sa aking naoobserbahan, bihira
nalang sa isang pamilya ang nagkasabay-sabay na kumain sa hapagkainan dala ng
impluwensiya ng teknolohiya.
EXPERIENCE
Nais ko lamang
ibahagi ang aking hindi malilimutang karanasan noong nasa high school ako.
Pagtungtong ko ng 2nd year high school ay nagkaroon kami ng ICF na
sabjek. Ang naging unang pagtatagpo namin sa asignaturang ito ay pinapunta kami
sa isang room na maraming kompyuter. Nang makaupo na kami, bawat isa sa amin ay
may kaharap na kompyuter kung saan pinagawa kami ng aming guro ng isang maikling
video presentation na sa paraang iyon ay maipakilala namin ang aming sarili
gamit ang movie maker na aplikasyon. Sa mga panahong iyon ay gusto ko nang
umiyak dahil wala talaga akong kamuwang-muwang noon sa paggamit ng kompyuter
dahil hindi pa ito itinuro sa amin noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Sa
panahon ding iyon, nakita ko ang aking katabi na parang alam talaga niya ang
paggamit ng kompyuter kaya kinapalan ko na ang aking mukha at humingi ako ng
tulong sa kanya. At sa awa ng diyos, tinulungan naman niya ako at tinuruan na
din niya ako. Kaya mula non’ malaki ang pasasalamat ko dahil kahit kaunti ay
may natutunan ako sa paggamit ng kompyuter hanggang sa pagtungtong ko ng 3rd
year at 4th year ko noon ay marami na akong natutunan tungkol sa
teknolohiya nang dahil sa tulong ng aking mga kaklase at lalong-lalo na sa mga
naging guro ko noon.
REFLECTION/REACTIONS
Lingid
sa ating kaalaman, patuloy na yumayabong at lumalaganap ang teknolohiya sa
kasalukuyang panahon. Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis na pagbabago
ng ugali ng mga kabataan sa modernong teknolohiya.Naging madali na ang lahat.
Maging ang paggawa ng mga takdang aralin sa paaralan ay “instant”. Hindi mo na
kailangan bumuklat ng libro at hanapin ang kasagutan dito bagkus kaunting type
at click dito may “instant” kasagutan na sa iyong takda. Nagiging makapal na
ang alikabok ng iyong mga libro sapagkat nakulong na ang atensyon sa isang
kahong hindi maiwan ng ating paningin kahit saglit.
Ang
simpleng pakikipag-usap sa ating pamilya ay hindi na rin natin maisagawa sanhi
ng mga gadgets na mas pinagtutuunan natin ng atensyon at oras. Normal na
senaryo sa ating paaralan ang pagkopya ng mga aralin na itunuturo sa atin ng
ating mga propesor o guro. Ngunit sa halip na ballpen at papel ang ating
ilalabas, camera o cellphone ang ating hahawakan sapagkat mas madali ang
pagkuha ng litrato kaysa sa pagsusulat nito. Nakadepende palagi sa moderno at
makamundong teknolohiya. Hindi naman masama ang paggamit nito ngunit may mga
bagay na dapat nating itinatrabaho at hindi kailangang iasa sa teknolohiya.
Pagdating
naman sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon sa mga pamahiin ay hindi na siya gaanong pinaniniwalaan dahil
nga sabi ng iba hindi naman daw totoo ang mga pamhiin ng ating mga
kanunu-nunuan.
APPLICATION
Bilang isang guro sa hinaharap, maibabahagi ko ang aking mga
natutunan at kaalaman tungkol sa paggamit ng kompyuter at magagamit ko ito sa
aking pagtuturo sa pagdating ng panahon. Halimbawa na lamang kung madedestino
ako sa paaralang walang mga kompyuter, walang kuryente at kulang sa
teknolohiyang ginagamit sa pagtuturo. Bilang guro na maraming kaalaman sa sa
paggamit ng teknolohiya ay maaari kong ipakilala sa aking mga estudyante ang tungkol
sa teknolohiya kung paano ito gamitin at kung gaano ito kahalaga sa ating
panahon ngayon. Sa pagkakataong ito, mapupunan ko ang ilang pangangailangan ng
bawat estudyante lalong-lalo na sa mga pursigidong magkaroon pa ng maraming
kaalaman at makapagtapos ng pag-aaral.