Wednesday, October 3, 2018


MAKALUMA VS. MAKABAGO

CONTENT
Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina, at iba pa ay malayong-malayo na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang nakagawian ng mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago ay modernong panahon karamihan naman ay lubusang nag-iiba siguro’y nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba. Ang dating kinagigiliwan ng ating mga magulang noon 30 taon na ang nakalipas ay hindi na natin gaanong nagagamit o napapakinabangan ngayon dahil nga nasa makabagong teknolohiya na tayo ngayon. Ang teknolohiya ngayon ay nakatutulong sa pagpapadali ng ating buhay sapagkat ito ay “high tech” na. Nabago din ang paraan ng pakikipagkomunikasyon, panliligaw at hindi na rin masyadong pinaniniwalaan ang mga pamahiin ng ating mga magulang noon. Kung ating ikukumpara, ano nga ba ang pagkakaiba noon at ngayon?


1. Media/Technologies
           
       Noon, sikat ang keypad  na 3310 ang  model at sikat din noon ang selpon na may antena. Bihira lang din ang may ganitong selpon  noon. Ngunit ngayon lahat talaga ay may touch screen na selpon.

                                                                        ngayon
                



               noon



                      noon                                                                                                  ngayon



              Noon, ang ginagamit na plantsa ng damit ay  nilalagyan ng baga  para uminit ito, ngunit ngayon isasaksak nalang sa kuryente.




                      
                                                                                                    


      
        Noon, hindi uso ang flat screen, at balck and white T.V ang meron ang mga tao noon. Ngunit, halos flat screen na ang ginagamit at binibili ng mga tao.
                                                                   
              noon                                                                                                       ngayon
                      

                                                                                
                                                                                                                          

             
                                                                                                                                  
              Noon, hindi pa uso ang kompyuter dahil ang tanging ginagamit ng mga Pilipino sa pag-eencode ay typewriter. Ngunit ngayon napalitan na ng mas “high tech” na kompyuter,laptop, ipad, tablet at iba pa.
                                                                                      





2. Social Relationship
         Noon, sa pamamaraan ng panliligaw ay pupuntahan talaga ng lalaki ang bahay ng babaeng iniibig  para mangharana. Ngayon, dinadaan nalang sa text ang panliligaw.






                                        


                                                                                 


                         noon
Pagdating naman sa interaksyon at pakikipaghalubilo ng mga kabataan, noon, ang tanging ginagawa ng mga kabataan ay naglalaro ng mga larong pinoy tulad ng luksong baka,patintero, tumbang lata, tagu-taguan, luksong lubid at iba pa. Ngunit ngayon, ating naoobserbahan na ang ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon ay mga online/offline games gamit ang kompyuter, selpon, tablet at iba pa. Kahit mga limang taong gulang pataas na mga bata ay ginagawa na din nila itong libangan. . Kahit saan tayo lumingon bakas ang pagbago ng teknolohiya sa mundo at kasabay nito ang malaking pagbabago ng kabataan. Halos hindi mabitawan ang mga gadgets na mas madaming oras pa ang inilalaan kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas makabuluhang bagay.
                                                                                                              ngayon








3. Beliefs or Values
            Pagdating naman sa paniniwala ng mga tao noon, 30 taon na ang nakalipas, sila ay talagang naniniwala sa mga pamahiin na namana pa sa ating mga ninuno. Lahat ng mga magulang natin, lolo at lola ay naniniwala sa mga pamahiin tulad ng mga sumusunod:
 §  Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon, ito ay simbolo ng kamalasan
§  Bawal matuluan ng luha ang kabaong upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit
§  Bawal magsuklay sa gabi dadami daw ang kuto.
§  Bawal paglaruan ang apoy, maaring lumabo ang mata
§  Malas daw pag may nakasalubong kang itim na pusa.
Iyan ay ilan lamang sa mga pamahiin na pinaniniwalaan noon. Ngunit ang mga pamahiing ito ay hindi na pinaniniwalan sa henerasyon natin ngayon, may iilan pero karamihan talaga ay hindi na naniniwala.
            
        Noon, hindi nakakaligtaan ng mga kabataan na magmano sa mga nakakatanda at sa kanilang mga magulang pag-uwi nila sa kanilang bahay. Ngayon, iilang kabataan na lamang ang gumagawa nito.



Noon, isa sa magandang katangian ng Pilipino ay ang pagsalo-salo sa hapag kainan tuwing hapunan. Habang ang ilaw ng tahanan ay nagluluto ng hapunan, ang magkakapatid ay tulong-tulong naman sa paghahanda ng kubyertos at kasangkapan na gagamitin. Hindi din nakakalimutan ng pamilya ang manalangin upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Ngayon, sa aking naoobserbahan, bihira nalang sa isang pamilya ang nagkasabay-sabay na kumain sa hapagkainan dala ng impluwensiya ng teknolohiya.








EXPERIENCE
            Nais ko lamang ibahagi ang aking hindi malilimutang karanasan noong nasa high school ako. Pagtungtong ko ng 2nd year high school ay nagkaroon kami ng ICF na sabjek. Ang naging unang pagtatagpo namin sa asignaturang ito ay pinapunta kami sa isang room na maraming kompyuter. Nang makaupo na kami, bawat isa sa amin ay may kaharap na kompyuter kung saan pinagawa kami ng aming guro ng isang maikling video presentation na sa paraang iyon ay maipakilala namin ang aming sarili gamit ang movie maker na aplikasyon. Sa mga panahong iyon ay gusto ko nang umiyak dahil wala talaga akong kamuwang-muwang noon sa paggamit ng kompyuter dahil hindi pa ito itinuro sa amin noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Sa panahon ding iyon, nakita ko ang aking katabi na parang alam talaga niya ang paggamit ng kompyuter kaya kinapalan ko na ang aking mukha at humingi ako ng tulong sa kanya. At sa awa ng diyos, tinulungan naman niya ako at tinuruan na din niya ako. Kaya mula non’ malaki ang pasasalamat ko dahil kahit kaunti ay may natutunan ako sa paggamit ng kompyuter hanggang sa pagtungtong ko ng 3rd year at 4th year ko noon ay marami na akong natutunan tungkol sa teknolohiya nang dahil sa tulong ng aking mga kaklase at lalong-lalo na sa mga naging guro ko noon.
           
REFLECTION/REACTIONS
Lingid sa ating kaalaman, patuloy na yumayabong at lumalaganap ang teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis na pagbabago ng ugali ng mga kabataan sa modernong teknolohiya.Naging madali na ang lahat. Maging ang paggawa ng mga takdang aralin sa paaralan ay “instant”. Hindi mo na kailangan bumuklat ng libro at hanapin ang kasagutan dito bagkus kaunting type at click dito may “instant” kasagutan na sa iyong takda. Nagiging makapal na ang alikabok ng iyong mga libro sapagkat nakulong na ang atensyon sa isang kahong hindi maiwan ng ating paningin kahit saglit.
Ang simpleng pakikipag-usap sa ating pamilya ay hindi na rin natin maisagawa sanhi ng mga gadgets na mas pinagtutuunan natin ng atensyon at oras. Normal na senaryo sa ating paaralan ang pagkopya ng mga aralin na itunuturo sa atin ng ating mga propesor o guro. Ngunit sa halip na ballpen at papel ang ating ilalabas, camera o cellphone ang ating hahawakan sapagkat mas madali ang pagkuha ng litrato kaysa sa pagsusulat nito. Nakadepende palagi sa moderno at makamundong teknolohiya. Hindi naman masama ang paggamit nito ngunit may mga bagay na dapat nating itinatrabaho at hindi kailangang iasa sa teknolohiya.
Pagdating naman sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon sa mga pamahiin  ay hindi na siya gaanong pinaniniwalaan dahil nga sabi ng iba hindi naman daw totoo ang mga pamhiin ng ating mga kanunu-nunuan.

APPLICATION
            Bilang isang guro sa hinaharap, maibabahagi ko ang aking mga natutunan at kaalaman tungkol sa paggamit ng kompyuter at magagamit ko ito sa aking pagtuturo sa pagdating ng panahon. Halimbawa na lamang kung madedestino ako sa paaralang walang mga kompyuter, walang kuryente at kulang sa teknolohiyang ginagamit sa pagtuturo. Bilang guro na maraming kaalaman sa sa paggamit ng teknolohiya ay maaari kong ipakilala sa aking mga estudyante ang tungkol sa teknolohiya kung paano ito gamitin at kung gaano ito kahalaga sa ating panahon ngayon. Sa pagkakataong ito, mapupunan ko ang ilang pangangailangan ng bawat estudyante lalong-lalo na sa mga pursigidong magkaroon pa ng maraming kaalaman at makapagtapos ng pag-aaral.